Tamang sarbey lang dahil tamad mag-blog

1. Private o public school mo nung hs?
Pribadong pangmadre


2. Lagi ka bang nalelate?

Serbis boy. Guilty as charged. No.


3. Complete uniform ka ba lagi?

As much as possible, inaalis ko ang I.D ko...to no avail.


4. Kumakanta ka ba ng Pambansang Awit at School Hymn?

Kapag di ako pinapawisan sa tindi ng araw. Baka sakaling ganahan ako.


5. Active ka ba sa klase?
Pag di tulog

6. Magulo ka ba sa klase?
Pag di tulog XD

7. Nagbebenta ba ang teacher niyo ng goods nya sa klase nyo?
Hindi nga eh, sayang.

8. Napaoffice ka na ba at bakit?
Oo, para kumuha ng mga drafting materials. TEE SKWUR tsaka TRIANGGUL.


9. Nakabasag ka na ba ng instruments sa laboratory niyo?
Siguro...kung di ako tulog.

10. Sumali ka ba sa mga intramurals?

Hindi eh. Alam na...


11. Gumagawa ka ba ng assignments o copy lang?
Sa mga bihirang pagkakataon, gumagawa naman ako kahit papaano. Madalas kupya.

12. Kumakain ka ba tuwing break?
Sino bang hinde?

13. Ano ang favorite mong food sa recess?
Tourist/Safari/Tofiluk tsaka Coke.

14. Natutulog ka ba sa klase?
BWAHAHAHAHAHA!!! Hindi siguro.

15. Pumapasok ka ba sa ibang room?
By accident. Ay, sorry po.


16. Nagtetext ka ba habang nagkaklase kayo?
Bawal eh.


17. Nagdadala ka ba ng mga pagkain sa room niyo?
Oo, may lunchbox yata to!


18. Ano pinaka mahirap na subject mo sa lahat?
Kahit anong may Math. Bwakanginang mga numero yan.

19. Natawag mo na bang "sir" ang ma'am nyo, at "ma'am" ang sir niyo?
Hinde pa naman. Tenklord.



20. pangalan ng eskuwelahan mo noong HS?

Mater Carmeli Iskul.

21. Naaksidente ka na ba nung hs ka?
Oo, nadulas ako habang nagmomoro moro. Yum.


22. Ano ang laging kinakain mong pagkain sa canteen?
Tourist/Safari/Tofiluk


23. In general, love mo ba highschool life mo?
Teka, isipin ko muna.

24. Sumali ka ba sa theater nung hs?
Hinde eh.


25. Dancer ka ba nung hs?
Hinde. Naging sideline ko nalang yun nung college, for extra allowance.


26. Naging CAT officer ka ba nung hs?
Hinde eh.

27. Favorite subject mo nung hs?
ENGURISH!!!


28. Catholic ba school mo?
Sobra.

29. Sumasali ka ba sa mga clubs at organizations and why?
Mandatory.

30. Pinakanamimiss mo nung hs ka?
Si Sir Edwin. XD


31. Ngkikita pa ba kayo ng classmates mo nung hs?

oo naman

32. Miss mo na rin ba teacher mo dati?
Si Sir Edwin lang XD

33. Nagbabatuhan ba kayo ng papel nung hs?
Upuan

34. may nag sayaw ba sayo nung prom mo?
meron naman

35. umiyak ka ba nun hs ka?

Hinde


36. asa star section ka ba?
OO. Istariray!!!


37. na kick out ka ba?
Sayang. Hinde eh